Kahapon lamang December 7, 2010 Martes, nagtaas na ng presyo ang NFA o ang pampublikong bigas sa mga pamilihang bayan ng dalwang piso kada kilo. Maraming mamamayan ang nadismaya sa desisyong ito ng ahensya, dahil ito lamang ang inaasahan ng ilan nating kababayan. Ngunit sabi nga ay kung hindi ito tataasan ay maaaring matigil ang pagsupply na naturang bigas. Ang NFA ay ibinebenta ng mga magsasaka sa ahensya ng tatlumpu’t apat na piso ngunit ito ay kanilang pinagbebenta sa publiko sa halagang dalawampu’t limang piso. Ang dagdag na dalawang piso kada kilo ay para mapagpatuloy ang pagsupply nito sa pampublikong bilihan kumpara sa mga Commercial na bigas. Ngunit ngayon ay nababalitaang ang Commercial na bigas ay maaring magtaas na rin.
Kadi-deliver lang ng suplay ng NFA rice ni Aling Vilma. Wala siyang magawa kundi ibenta na ito ng P27 kada kilo. Mas mahal na kasi ang kuha kasunod ng anunsiyo kahapon na itaas ng P2 kada kilo ang NFA rice.
“Noong P25 nga po kapag bumibili kami sa isang linggo ay 75 bags. Minsan po hindi pa maubos. ‘Yun pa kayang tumaas,” ani Vilma Anasco, may-ari ng bigasan.
Dismayado ang mga grains retailer sa walang abisong dagdag-presyo ng NFA rice.
"The other sectors now are really complaining, especially the retailers and the consumers,” ani Mayor Teresa Alegado, president ng Confederation of Grains Retailers Association.
Mula P1,175, nasa P1,250 na ngayon ang hango ng mga negosyante sa NFA rice.
Dito naman sa Commonwealth Market, nasa P25 pa rin ang bentahan ng NFA rice. ‘Yun nga lang, limitado na ang suplay kaya kapag naubos na ang iilang sako ng NFA rice, doon lamang tataas ng P2 kada kilo ang pinakamurang bigas sa palengke.
Sa monitoring ng gobyerno, nasa P25 pa rin ang bentahan ng NFA rice sa nakararaming palengke sa Metro Manila.
Kung may nagagalit, mayroon din namang tanggap na ang pagtaas ng NFA rice.
“Okay lang kasi konti lang naman ang itinaas,” anang isang nagbebenta ng bigas.
"Marami na ang hindi makakayanan, kasi ang dami na ngang walang trabaho tapos tataas pa 'yung bigas,” sabi ng isa pang nagbebenta ng bigas.
Ang basa naman ng mga negosyante, dahil tumaas ang NFA rice, magmamahal din ang "commercial rice".
Ang P27 hanggang P32 na bigas, malamang umakyat din sa P28 hanggang P34 dahil nagsisilbing "benchmark" o batayan ng presyo ng "commercial" ang NFA rice.
“Sasabihin nila, 'kung ‘yung NFA nga eh, ‘yung sa government nga natin eh, na sinu-subsidize ay nagtaas na, kami pa,'” ani Marlyn Razon, negosyante ng bigas.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture na babantayan nila ang mga nagtitinda ng commercial rice para hindi sumunod sa dagdag presyo.
OPINYON:
Para sa akin, hindi ako sangayon sa pag taas ng pampublikong bigas, dahil marami sa mga kababayan natin ang naghihirap at wala na nga sila makain tapos tataasan pa nga dalwang piso ang presyo ng bigas. Paano na lamang ang mga mamamayan natin tulad nila. Hindi naman lahat ay kaya bumili sa ganoong presyo ng bigas tapos, tataasan pa nila. Ang iba ay wala na makain,pero tataasan pa rin nila ang presyo ng bigas. Paano na lamang sila? Siguro naman ay kayang pagbigyan ng gobyerno ang mga mamamayan nating kapos lalo pa't ngayon ay magpapasko na. Siguro naman ay kaya pagbigyan ng gobyerno ang mga mahihirap o kapos. Tulong na lang din nila lalo ngayon ay magpapasko na.

dapat hindi na nila pataasin ang presyo nyan dahil kaya nga binebenta yan sa mahihirap kasi kulang na sila para sa iba pang gastusin
ReplyDeletetama... ito na lamang kasi ang inaasahan nilang mura na makapagtatawid sa kanilang gutom... sana lang ay hindi na ito taasan... bihira na nga ksi silang kumain ng 3 beses sa isang araw kung minsan, tapos tataasan pa nila ang presyo ng bigas na pinipilit ng mga mahihirap na mabili para lang may makain..
ReplyDeleteHAixt!
ReplyDeleteTingnan Mo Nga Naman Fresh Na Fresh Lang Oh!!
Paano Vah Nmn yan qong magta2as lng cla Ng MAgtataas Ng Presyo.. Ng Bigas, Baka Balang Araw Wala N tlagang Bibili Sa Kanila... But Its Impossible Nmn eh!!..pero Comnment Qou Tlaga
"IM NOT AGREE"
kasalanan ito ng pagtataas ng gasolina pti ng toll fee dahil sa pagmahal ng transportasyon mpipilitan din ang mga rice dealers na mgtaas ng presyo dhl malulugi sila...
ReplyDeletehindi ito tma dahil yan na nga lang ang pangtawid gutom ng ibah pamamahalin pa papaanuh na ang mga mahihirap magugutom silah
ReplyDeleteDag dag cla nang daag dag anu kaya ang kakainin ng mga kapos palad ..
ReplyDeletenaku!ang dami ngang mga pilipino ang nagugutom at hindi nakakain ng tatlong beses sa isang araw sunod tataasan pa ang presyo ng bigas lalo ng hindi nakabili ang iba.kaya dapat ay hindi na iyan maipatupad.
ReplyDelete. hay, sa panahon ngayon, dapat hindi na magtaas ang presyo ng Commercial Rice lalo na't ngayon pa. Nagtaas na ang NFA rice o ang pampublikong bigas . panu na lang ung ibang nabili ng NFA na mas pipiliin pang bumili ng Commercial rice diba? . di mapipilitan sila bumili ng NFA kung tataas ito. magpapasko pa naman sana naman . pagbigyan ng ahensya ang ilan nating kapos na kababayan. dapat ginagawan nila yan ng paraan .
ReplyDeletehindi ako sang ayon jan... bat pa sila nag benta ng NFA na bigas kung dadagdagan din naman nila ang presyo ng bigas
ReplyDeletepagtataas presyo? wala na bang ibabalita pa kundi ang pagtataas ng presyo ng mga pamilihin?! alam naman ng lahat na ang pera ay pinaghihirapan ng lahat ng mga mamamayan. hindi ito basta bsta nkukuha nlng, para namang sumosobra na sila. hindi panga nagtataas ng presyo ay hindi na makabili ang mga mahihirap lalo na kung tataasan pa nila ito, maawa naman sila ..
ReplyDeletendi ako sang ayon dhil an damidmi ng nagma2hal na pamilihin. lalo na ang bigas. alam nman nlang mraming pilipinong wla trabaho lalo nah ung mga taong wlang kaya xa buhay. tpos tataasan pah nila ang mga presyo ng bigas. anu kyang mangya2re xa pilipinas kung laging tataasan ang presyo ng mga pagkain. tsk!
ReplyDelete