Wednesday, December 8, 2010

COMMERCIAL RICE NAPIPINTONG MAGMAHAL


Kahapon lamang December 7, 2010 Martes,  nagtaas na ng presyo ang NFA o ang pampublikong bigas sa mga pamilihang bayan ng dalwang piso kada kilo. Maraming mamamayan ang nadismaya sa desisyong ito ng ahensya, dahil ito lamang ang inaasahan ng ilan nating kababayan. Ngunit sabi nga ay kung hindi ito tataasan ay maaaring matigil ang pagsupply na naturang bigas. Ang NFA ay ibinebenta ng mga magsasaka sa ahensya ng tatlumpu’t apat na piso ngunit ito ay kanilang pinagbebenta sa publiko sa halagang dalawampu’t limang piso. Ang dagdag na dalawang piso kada kilo ay para mapagpatuloy ang pagsupply nito sa pampublikong bilihan kumpara sa mga Commercial na bigas. Ngunit ngayon ay nababalitaang ang Commercial na bigas ay maaring magtaas na rin.




Kadi-deliver lang ng suplay ng NFA rice ni Aling Vilma. Wala siyang magawa kundi ibenta na ito ng P27 kada kilo. Mas mahal na kasi ang kuha kasunod  ng anunsiyo kahapon na itaas ng P2 kada kilo ang NFA rice.
“Noong P25 nga po kapag bumibili kami sa isang linggo ay 75 bags. Minsan po hindi pa maubos. ‘Yun pa kayang tumaas,” ani Vilma Anasco, may-ari ng bigasan.
Dismayado ang mga grains retailer sa walang abisong dagdag-presyo ng NFA rice.
"The other sectors now are really complaining, especially the retailers and the consumers,” ani Mayor Teresa Alegado, president ng Confederation of Grains Retailers Association.
Mula P1,175, nasa P1,250 na ngayon ang hango ng mga negosyante sa NFA rice.
Dito naman sa Commonwealth Market, nasa P25 pa rin ang bentahan ng NFA rice. ‘Yun nga lang, limitado na ang suplay kaya kapag naubos na ang iilang sako ng NFA rice, doon lamang tataas ng P2 kada kilo ang pinakamurang bigas sa palengke.
Sa monitoring ng gobyerno, nasa P25 pa rin ang bentahan ng NFA rice sa nakararaming palengke sa Metro Manila.
Kung may nagagalit, mayroon din namang tanggap na ang pagtaas ng NFA rice.
“Okay lang kasi konti lang naman ang itinaas,” anang isang nagbebenta ng bigas.
"Marami na ang hindi makakayanan, kasi ang dami na ngang walang trabaho tapos tataas pa 'yung bigas,” sabi ng isa pang nagbebenta ng bigas.
Ang basa naman ng mga negosyante, dahil tumaas ang NFA rice, magmamahal din ang "commercial rice".
Ang P27 hanggang P32 na bigas, malamang umakyat din sa P28 hanggang P34 dahil nagsisilbing  "benchmark" o batayan ng presyo ng "commercial"  ang NFA rice.
“Sasabihin nila, 'kung ‘yung NFA nga eh, ‘yung sa government nga natin eh, na sinu-subsidize ay nagtaas na, kami pa,'” ani Marlyn Razon, negosyante ng bigas.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture na babantayan nila ang mga nagtitinda ng commercial rice para hindi sumunod sa dagdag presyo.




OPINYON:
Para sa akin, hindi ako sangayon sa pag taas ng pampublikong bigas, dahil marami sa mga kababayan natin ang naghihirap at wala na nga sila makain tapos tataasan pa nga dalwang piso ang presyo ng bigas. Paano na lamang ang mga mamamayan natin tulad nila. Hindi naman lahat ay kaya bumili sa ganoong presyo ng bigas tapos, tataasan pa nila. Ang iba ay wala na makain,pero tataasan pa rin nila ang presyo ng bigas. Paano na lamang sila? Siguro naman ay kayang pagbigyan ng gobyerno ang mga mamamayan nating kapos lalo pa't ngayon ay magpapasko na. Siguro naman ay kaya pagbigyan ng gobyerno ang mga mahihirap o kapos. Tulong na lang din nila lalo ngayon ay magpapasko na.